|
ORATIO IMPERATA FOR SWINE FLUE
English VersionGod, Our loving Father we come to you in our need to ask your protection against the Swine flu that has claimed the lives of many in Mexico and has affected many more not only there but in other countries as well. Tagalog Version
Ama naming mapagmahal, kami’y lumalapit sa iyo sa aming pangangailangan iyong ipag-adya sa sakit ng “Swine flu” na kumitil na sa maraming buhay sa Bansang Mexico at patuloy na lumalaganap sa iba pang mga bayan at bansa. Hinihiling namin, ang iyong biyaya sa lahat ng mga nagsusuri ng uri at pinagmulan ng sakit na ito. Patnubayan mo ang lahat ng mga kagawad ng medisina na tumutugon sa mga may sakit upang sila’y mapuno ng tamang pangangalaga at pagdamay, gayon din naman ang mga nasa pamahalaan at pribadong sektor na naghahanap ng lunas at kagalingan para sa kanilang nasasakupan. Ipinapanalangin din namin ang lahat ng mga may karamdaman lalo na ang mga kinapitan na ng “Swine flu”. Sila nawa ay iyong pagalingin. Tulungan mo kaming laging mapuno ng pag-asa sa iyong pag-ibig at kabutihang loob para sa aming lahat. Hinihiling naming ito, sa pamamagitan ni Hesu-Kristong Anak mo, na nabubuhay at naghahari, kaisa mo at ng Espiritu Santo, Diyos, magpasawalang-hanggan. Mahal na Birhen ng Guadalupe, ipanalangin mo kami. San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami. San Roque, ipanalangin mo kami. |