Prayer for the New Archbishop of Manila

English Version

Prayer for the New Archbishop of Manila

 

God our Father,

our shepherd and guide,

you tend your Church in many ways,

and rule us with love.

Look with love on your servant,

Luis Antonio,

whom you have chosen to watch over your,

flock with a shepherd’s care.

 

Help him to be a faithful teacher,

a wise administrator, and a holy priest.

May his word and example

inspire and guide the Church

and his watchful care bring us your blessing.

 

We ask this through Christ our Lord.

Amen.

 

Tagalog Version

 

Panalangin Para sa Bagong Arsobispo

 

Ama naming mapaglikha,

ikaw ang laging nangangasiwa sa iyong Simbahan

bilang pangulo ng lahat ng nagaganap dito

at tagapamahalang nagmamahal sa lahat ng bumubuo nito.

Kalugdan mo ang iyong lingkod na si Luis Antonio

na niloob mong lumingap sa iyong kawan

ng may pagmamalasakit ng isang pastol na uliran.

 

Ipagkaloob mong ang iyong lingkod

ay maging matapat na tagapagturo

ng dapat sampalatayanan

yayamang siya ang tagapangasiwang gumaganap sa

tungkulin ni Kristo

bilang paring nangunguna sa pagsamba at lingkod na namamahala.

Ang kanyang pagsasalita at pagiging uliran

ay magpaunlad at magpabanal nawa sa sambayanan

at ang kanyang pagmamalasakit ay magdulot

ng iyong pagpapala.

 

Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristong aming

Panginoon.

Amen.